Voucher program para sa mga Senior High Student, muling bubuksan

Muling bubuksan ng Department of Education o DepEd ang voucher program para sa mga Senior High Student na papasok sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ang voucher program ay ang pagbibigay ng subsidiya sa ilang gastusin at matrikula ng mga Senior High Student na papasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon kay Dr. Rosario Cabrera, DepEd-Urdaneta Assistant Schools Division Superintendent, muling bubuksan ang voucher program upang mas maabot pa ang mga hindi naka-avail na mga grade 11 sa nasabing programa.

Sa voucher program, may makukuhang P17,000 na subsidiya ang isang Senior High Student na papasok sa pampublikong paaralan at P14,000 naman kung papasok ito sa pribadong paaralan.

Magsisimula naman ang pagtanggap ng application bukas, abril a-bente dos at tatagal hanggang mayo a-sais, at ipinapayong kompletuhan ang mga kakailanganing requirement.

Speak Your Mind

*