Water impoundment, kailangan para magkaroon ng sapat na suplay ng patubig

Isinusulong ni dating Senador at Food Security Secretary Francisco Pangilinan ang pagkakaroon ng water impoundment o imbak tubig act para magkaroon ng sapat na suplay ng patubig.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Pangilinan, iginiit nito na may batas nang nagbibigay kautusan sa mga local government unit na magkaroon ng water impoundment facilities and project sa kanilang lugar.

Ang kailangan lang aniya ang pangil sa batas at pagkakaroon ng sapat na pondo.

Idinagdag pa ni Pangilinan na kung maisasakatuparan ang water impoundment at maiipon ang lahat ng tubig ulan, ay hindi na magkaka-problema sa suplay ng tubog sa panahon ng tag-init.

Samantala, ibinalita naman nito na sa taong 2017 ay matatapos na ang ginagawang irigasyon na pinondohan ng p2.6 bilyon sa mga lugar na nasasakupan ng bayan ng Natividad, San Nicolas, San Quintin, Sta. Maria, Tayug, Balungao, Umingan at Bayan ng Rosales kung saan mahigit sa labindalawang libong ektaryang sakahan ang mapapatubigan.

Speak Your Mind

*