Water search and rescue training ngayong Mayo, ikinakasa ng PDRRMO

Inihahanda na ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office o PDRRMO ang planong Water Search and Rescue Training na posibleng gawin sa buwan ng Mayo.

Isa umano ito sa programa ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Federation o PDRRMF, asosasyon na binubuo ng lahat ng MDRRMO sa buong lalawigan kung saan isinusulong nito ang mitigation and prevention, preperedness, response recovery and rehabilitation.

Ayon kay Avinex Arenas, training and information head ng PDRRMO na kailangan ng probinsya na palakasin ang water search and rescue team lalot ang Pangasinan ay water catch basin.

Bukas naman ang PDRRMO na dumalo sa naturang taining ang mga miyembro ng media katuwang ang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter lalo’t kasama na sa trabaho ng mamamayag ang sumuong sa tubig baha.

Speak Your Mind

*