Welding, nangungunang kurso na kinukuha sa TESDA

Patuloy ang mga kursong iniaalok ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga bagong graduates.

Ayon kay Modesto Velasquez, Supervicing Specialist ng TESDA, ilan sa mga kurso ang iniaalok ngayon para sa training program ng tesda ay ang automotive servicing, welding, refrigeration and air conditioning servicing, at electrical installation maintenance.

Sinabi naman ni Velasquez na ang kursong welding ang patok ngayon at pika-maraming kumuhang kurso maging sa hanay ng mga babae.

Ipinagmalaki naman ng TESDA dito sa Pangasinan na umaabot sa animnapung porsyento mula sa bilang ng mga nagtatapos sa TESDA ang nakakakuha na ng trabaho.

Speak Your Mind

*