Welfare Services ng OWWA Region 1 sa mga pamilya ng mga OFW, nagpapatuloy

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng Overseas Welfare and Workers Administration (OWWA) Region one ng welfare services.

Sa panayam ng sonshine radio ay nilinaw ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region one na hindi lang sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) tumutulong ang ahensya, kundi sa miyembro rin ng kanilang pamilya.

Sinabi ni Marbella na karamihan na naidudulog na problema sa kanilang tanggapan ay ang problema sa trabaho ng mga OFW.

Sa nasabing situwasyon, paliwanag ni Marbella na ang magagawa ng OWWA ay kunin lahat ng impormasyon para maiparating rin sa OWWA post sa iba’t ibang dako ng mundo para pumagitna ang welfare officer.

Ayon sa OWWA, ang welfare officer ang kakausap sa employer at kompanya para masolusyunan ang problema.

Speak Your Mind

*