Yellow alert, malabong mangyari sa panahon ng eleksyon

Malabong mag-yellow alert o maging manipis ang suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon ayon sa Department of Energy.

Ayon kay DOE Secretary Zenaida Monsada, holiday ang araw ng eleksyon kaya magiging mababa umano ang demand sa kuryente.

Kung magkabrown-out naman anya sa isang lugar, sisiguraduhin ng DOE ng mayroong kuryente sa mga polling precints.

Sa forecast ng DOE, tinatayang 7,275 megawatts ang magiging demand sa kuryente sa a-nuwebe ng Mayo habang papalo naman sa 10,539 mega watts ang suplay nito.

Speak Your Mind

*