2016 Olympic Games sa Rio de Jenairo, tuloy sa kabila ng banta ng Zika Virus

Tuloy naman ang nakatakdang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil sa kabilang ng mga panawagan ng ilang eksperto na ipagpaliban o ilipat sa ibang venue ang naturang event.

Ito ay dahil sa pangamba ng mga eksperto na tumaas ang bilang ng kaso ng Zika Virus sa buong mundo.

Giit ng World Health Organization o WHO, kahit na ipagpaliban ang Olympic Games hindi pa rin magbabago ang pagkalat ng naturang sakit.

Ngayon pa nga lang umano ay mataas na ang bilang ng kaso ng Zika Infection kung saan hindi pa nagsisimula ang Olympic Games.

Pinakamainam na paraan ayon sa UN Health Agency para mapigilan ang pagkalat ng virus ay ang pagsunod sa mga public health travel advisory.

Speak Your Mind

*