40.2 bilyong pisong kita ng GOCC, napasa-kamay na ni Pangulong Aquino

Personal na iniabot kay Pangulong Noynoy Aquino ang tseke ng mga dibidendo mula sa kinita ng Government Owned and Controlled Corporations  o GOCC.

Nasa limampu’t apat na kinatawan ng mga GOCC’s ang nagtungo sa Malakanyang para personal na iabot kay Pangulong Aquino ang tsekeng umaabot sa 40.2 bilyong pisong dibidendo.

Tumaas ito ng bahagya kumpara sa dating 36.36 bilyong piso noong nakaraang taong remittance.

Kabilang sa mga GOCC’s ang Land Bank of the Philippines, Mactan-Cebu International Airport authority, Bases Conversion Development Authority, Development Bank of the Philippines, Manila International Airport Authority, Philippine Deposit Insurance Corporation, Philippine Ports Authority at Philippine Reclamation Authority.

Paliwanag ni Pangulong Aquino, na sa ilalim ng Republic Act 7656, inuutusan ang mga GOCC’s na ibigay sa national treasury o sa national government ang 50 percent ng kanilang kinita sa nakaraang tao.

Speak Your Mind

*