7 yrs na bata, nawawala sa kagubatan ng Japan matapos na iwan ng magulang

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang pitong taong gulang na bata matapos na mawala sa isang kagubatan ng Hokkaido sa Hilagang Japan.

Ayon sa Hokkaido Police, pinalabas sa kotse ang bata ng kaniyang mga magulang bilang parusa umano ng mga ito sa bata.

Umabot na sa isandaan at limampung rescuer ang nagtutulong tulong upang mahanap ang bata.

Pinag-aaralan naman ng mga awtoridad kung kakasuhan ng child abandonment ang mga magulang nito.

Speak Your Mind

*