700 refugees galing Libya, pinagangambahang nalunod na

pinangangambahan ng United Nation High Commisioner for Refugees o UNHCR na umabot na sa pitong-daang refugees ang nalunod matapos na lumubog ang mga barkong kinalululanan ng mga ito.

Ayon sa UNHCR, mula pa nitong nakaraang linggo, sunod-sunod na ang mga insidente ng paglubog ng barko na sakay ang mga naturang refugees na nagtatangkang makabiyahe patungo sa Italy.

Posible namang hindi na umano  malaman ang pagkakakilanlan ng mga nalunod na refugees dahil walang opisyal na rekord ang kanilang biyahe.

Sinabi naman ni UNHCR Spokesman for Europe na si William Spindler na  kinakailangan nang magawan ng paraan upang matigil na ang mga refugees sa pagtaya ng kanilang buhay para makabiyahe patungo sa ibang bansa.

Speak Your Mind

*