80 kongresista, lumagda para i-override ang veto ni P-noy sa SSS Pension Hike Bill

Lumagda sa isang resolusyon ang may siyamnapu’t walong kongresista na naglalayong i-override ang veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa SSS Pension Hike Bill.

Gayunpaman, kulang pa rin ang nasabing bilang para mabaliktad ang veto ng pangulo sa panukala na magdaragdag ng dalawang libong piso sa pension ng mga SSS Pensioners.

Kailangan kasi na makabuo ng isandaan siyamnapu’t walong bilang ng lagda ng mga kongresista para maisantabi ang naging pagbasura ni Pangulong Aquino sa nasabing panukala batas.

Sa kabila nito, tatangkain pa rin ng Makabayan Bloc na buksan sa plenaryo ang posibilidad ng botohan para sa pag-override ng veto.

Speak Your Mind

*