Abot sa isang milyong seedlings, itatanim ng DENR sa mga kabundukan ng Pangasinan

Abot sa isang milyong seedlings ang itatanim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga kabundukan ng Pangasinan na apektado ng mga grassfire.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Celso Salazar, Community Environment and Natural Resources Officer ng Dagupan, sinabi nito na abot sa 1,200 ektarya ng kabundukan sa lalawigan ang napinsala ng grassfire nitong nagdaang tag-init.

Dahil aniya sa epekto ng global warming, kailangang palitan ang mga nasirang mga puno, kung saan target nilang simulan ang pagtatanim sa buwan ng Hunyo.

Kasabay nito, hinikayat ni Salazar ang publiko na makiisa sa pagtatanin lalo na ang mga pasaway na nagsusunog sa mga paanan ng bundok.

Target na itanim ang nasa isang milyong seedlings na sasaklawin ang mga kagubatan sa mga bayan ng Labrador, Aguilar, Mangatarem, at Bugallon.

Speak Your Mind

*