Alegasyong dayaan, ipinagkibit-balikat lang ng kampo ni Robredo

Ipinagkibit-balikat lang ng kampo ni Vice President-Elect Leni Robredo ang mga alegasyon ng dayaan ng Council On Philippine Affairs (COPA).

Ayon sa abogado ni Robredo na si Attorney Romulo Macalintal, iniimbento lamang ng mga ito ang naturang alegasyon.

Binira rin ni Macalintal si COPA Secretary General Pastor Boy Saycon dahil sa hindi umano ito credible witness dahil sa wala naman ito sa lugar kung saan nasabing may nangyaring dayaan.

Imposible aniya na magsama ang Smartmatic ng mga taong hindi nila kilala.

Pahayag pa ni Macalintal sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa Smartmatic at Comelec, agad na madi-dismiss ang kaso.

Speak Your Mind

*