Anggulo ng droga sa pagkamatay ng lima sa isang concert sa Pasay, tinitingnan ng mga pulis

Dalawa sa limang nasawi sa isang concert sa Pasay ay nasawi sa Massive Heart Attack.

Ayon kay Pasay City Police Investigation Chief Inspector Rolando Baula, kapwa nasawi sa Massive Heart Attack sina Bianca Fontejon at Lance Garcia.

Batay aniya sa salaysay ng kasamahan ni Fontejon, bigla umanong nanikip ang dibdib nito at nag-collapse na.

Pahayag pa ni Baula, may nag-aalok umano ng nakakalasing na inumin gaya ng beer sa concert venue.

Base rin sa kanilang imbestigasyon, hindi magkakakilala ang limang nasawi.

Bukod kina Fontejon at Garcia, nasawi rin sina Ariel Leal, Eric Anthony Miller na isang American National, at Ken Migawa.

Hindi rin inaalis ng mga imbestigador ang anggulo na may kinalaman sa droga ang pagkamatay ng lima.

Speak Your Mind

*