Anggulong terorismo, nasilip sa nagyaring pagbagsak ng Egyptair sa Greece

Posibleng kagagawan ng mga terorista ang nangyaring pagbagsak ng isang Egyptian Plane na ikinasawi ng 66 katao.

Ayon sa mga aviation official, patungo sana ng Cairo ang eroplanong Egyptair mula Paris nang mag-crash sa Karpathos, Greece.

Sinasabing nagpaikot-ikot muna sa himpapawid ang eroplano bago ito tuluyang bumagsak.

Ipinag-utos na ni Egyptian Chief Prosecutor Nabil Sadek sa National Security Prosecutor ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Tinututukan ngayon ng mga awtoridad ang anggulong terrorist attack sa naturang trahedya.

Speak Your Mind

*