Anti-Red Tape Act, matagal na umanong ipinapatupad sa lungsod ng Dagupan

Matagal na umanong nagpapatupad ng Anti-Red Tape Act sa lungsod ng Dagupan upang mas mapabilis ang pag-proseso sa pagkuha ng permit.

Sa panayam ng Sonshone Radio kay Derick Dawis, Department of Interior and Local Government unit o DILG Officer ng Dagupan sinabi nito na taong 2008 pa ito ipinatupad.

Sa katunatayan inilunsad aniya sa Dagupan noong nakaraang taon ang regulatory simplification for local government kung saan mas pinadali ang proseso sa pagkuha ng business permit.

Nilinaw naman ni Dawis na dumaas ito sa tamang dayalogo kasama ang ibat-ibang kawani ng gobyerno.

Nabatid na isinusulong ni Presumptive President Rodrigo Duterte na palakasin ang kampanya laban sa Red Tape na nagpapabalam sa mga serbisyo ng gobyerno.

Speak Your Mind

*