48 PNP Chief ng Pangasinan, ginawaran ng “medalya ng kasanayan” ng RPO1

Binigyan ng pagkilala ng Regional Police Office 1 (RPO1) ang (48) apatnaput walong PNP Chief sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa matagumpay na nagdaang halalan.

Ayon kay Regional Director PC/Supt. Ericson Velasques, nararapat lang igawad ang “medalya ng kasanayan” sa mga hepe ng pulisya dahil sa kanilang 24 oras na pagbabantay at nakamit ang zero election related insident sa lalawigan.

Sinabi naman ni Velasques na dapat rin pasalamatan ang mga Pangasinense sa pakikipagtulugan sa mga kapulisan para sa pagdaraos ng tahimik at mapayapang halalan.

Nagpapasalamat din ang RPO1 na kahit kabilang ang Pangasinan sa mga probinsya sa election watchlist area (EWAS) sa buong bansa ay napanatili paring ligtas at maayos ang halalan 2016.

Speak Your Mind

*