Aplikasyon para sa 2016 Civil Service Examination, muling binuksan

Inihayag ng Civil Service Commission (CSC)-Pangasinan na muli namang tumatanggap ng aplikasyon para sa 2016 Career Service Examination (CSE)

Ayon kay Romulo Nabua, Officer-In-Charger ng SCS-Pangasinan, ang pagsusulit ay itinakda sa Oktubre 23, ngayong taon para sa mga professional at sub professional levels.

Sinabi pa ni Nabua na ang CSE ay requirement para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa gobyerno, at bukas sa lahat ng edad 18 pataas.

Pinayuhan naman ng CSC ang lahat na mag-apply nang maaga bagamat sa setyembre 1 pa opisyal na magsasara ang aplikasyon upang maiwasan ang mas mahabang pila

Posibleng naman aniyang tapusin ang pagtanggap ng aplikasyon kapag umabot na ang bilang ng aplikante sa target number.

Speak Your Mind

*