AUTOPRO Pangasinan, malabo umanong magpatupad ng dagdag pasahe

Nanindigan ang Alliance of Concerned Transport Organization (AUTOPRO) Pangasinan na hindi sila magtataas sa pamasahe lalo ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase.

Ito sa kabila ng lingguhang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo kung saan ngayong buwan ng mayo ay muling sumipa ng trenta sentimo ang kada litro ang presyo ng krudo.

Inaasahan ni AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino, na dahil sa nalalapit na pagbubukas na pasukan ay makakabawi na sa kita ng mga jeepney driver.

Bilang tulong sa mga magulang at studyante ay malabo umano silang magsulong sa pagtaas ng pamasahe.

Sakali naman aniyang marami sa mga driver ang humihiling ng dagdag pasahe ay kinakailangan itong idaan sa petisyon sa land transportation franchising and regulatory board o LTFRB.

Speak Your Mind

*