Autopro-Pangasinan, nilinaw na hindi sila magpapatupad ng dagdag pasahe

Muling nilinaw ng Alliance of Concerned Transport Organization (Autopro) Pangasinan na hindi sila magtataas sa pamasahe kahit na sunod-sunod ang naging paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo.

Ito’y dahil sa papalapit na pagbubukas ng klase kung saan inaasahan na makakabawi na sa kita ang mga jeepney driver dahil dadami na ang mga pasahero.

Ayon kay Autopro-Pangasinan President Benny Aquino, dagdag pahirap sa mga magulang at estudyante kung magpapatupad pa sila ang pagtaas pasahe.

Ngunit sakali naman aniyang marami sa mga driver ang humihiling ng dagdag pasahe ay kinakailangan itong idaan sa petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB lalot karamihan sa mga pasahero ay mga estudyante.

Speak Your Mind

*