Baby Scarlet, pormal ng ipinakilala na anak nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho

Pormal ng ipinakilala na nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho ang kanilang anak na si Baby Scarlet Snow Belo, na sya ring image model ng Belo Baby Products.

Matagal nang alam ng pamilya at mga close friends ang tungkol sa baby na ito, at sinabi naman ni Doc Hayden na sa tamang panahon ay iri-reveal nila ang totoong identity ng baby.

Bagets pa lang si Scarlet pero may mga Billboard at TV Commercial na siya, at dahil cute na baby, hindi umano magtataka kung madagdagan pa ang mga product endorsement nito.

Sa ipinost ni Hayden na larawan nila ni Scarlet, may ilang nagsabi na gestational surrogacy ito, dahil kamukhang kamukha nito ang kanilang mga magulang.

Speak Your Mind

*