Bagong batas na DICT, nilagdaan na ni Pangulong Aquino

Nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10844 na lumilikha sa Department of Information and Communications Technology o DICT.

Nakasaad sa batas, ang DICT ay pamumunuan ng isang secretary, tatlong undersecretaries at apat na assistant secretaries.

Ipinag-uutos din ng batas na ang secretary, Undersecretaries at Assistant Secretaries ay dapat may pitong taong kakayahan at expertise sa Information and Communications Technology, Information Technology Service Management, Information Security Management, Cybersecurity, Data Privacy, E-commerce o Human Capital Development sa ICT Sector.

Kasunod ng pag-apruba sa nasabing batas, nabuwag naman ang ilang ahensiya para ilipat sa DICT.

Kabilang dito ang Information and Communications Technology Office, National Computer Center, National Computer Institute, Telecommunications Office, National Telecommunications Training Institute.

Speak Your Mind

*