Banta ng Fishkill, ibinababala ng City Agriculture Office ng Dagupan dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon

Nagbabala ngayon ang city Agriculture Office ng Dagupan sa pabago-bagong lagay ng panahon na posibleng may masamang epekto sa alagang bangus.

Ito’y kaugnay sa nararanasang subrang mainit na panahon sa araw o tanggahali at manaka-naka o biglang buhos ng malakas na ulan sa hapon o gabi.

Ayon kay City Agriculturist Emma Molina, posible rin umanong maging dahilan ito ng pagbagsak dissolved oxygen ng tubig na maaaring pagmulan ng Fishkill.

Idinagdag pa ni Molina na kung may mamomonitor na ganitong sitwasyon ay agad na magsagawa ng pag-aani upang maiwasan ang malaking pagkalugi.

Ang tinig ni Dagupan City Agriculturist Emma Molina, sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*