Belmonte, walang balak mag-ober da bakod sa mayorya sa 17th Congress

Walang plano si House Speaker Feliciano Belmonte na mag-ober da bakod sa mayorya sa 17th Congress.

Ito ang tiniyak ni Belmonte sa harap ng mga congressmen na miyembro ng Liberal Party sa kanilang pulong sa kamara.

Giit ni Belmonte, matanda na siya para bumalimbing pa.

Sa ngayon, nais ni Belmonte na maging bahagi na lamang ng minority bloc ng mababang kapulungan.

Ayon naman kay house Majority Leader Neptali Gonzales d’second, wala pang pahayag si Belmonte kung lalaban pa ito sa speakership para makuha ang pagiging minority leader.

Sa panuntunan kasi ng kamara, ang pangalawa sa may pinakamaraming boto ang siyang magiging minority leader.

Pinangunahan din ni belmonte ang pagbuo ng manifesto of support para sa speakership ni davao del norte representative pantaleon alvarez.

Speak Your Mind

*