BFP Dagupan, tiniyak ang partisipasyon sa Brigada Eskuwela ng DepEd

Patuloy ang isinasagawang Fire Safety Insfestion ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang inihayag ni BFP Chief Inspector Romie Tumpalan, ng Dagupan BFP sa panayam ng Sonshine Radio.

Aminado naman si tumpalan na may naitatala silang negatibong report kung saan ilan sa mga paaralan ay may nagagawang mga paglabag.

Kalimitan umano sa mga naitalang violation ay ang hindi tamang pagkakabit ng electrical wiring at wala sa ayos na pagtatago ng mga gamit sa paaralan.

Kasabay nito, tiniyak naman ng bfp ang kanilang partisipasyon sa nakatakdang Brigade Eskuwela ng DepEd.

Ang tinig ni Dagupan BFP Chief Inspector Romie Tumpalan, sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*