Big Time Oil Price Hike, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas

Magpapatupad ng mahigit pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, May 24.

Inaasahang nasa pagitan ng P1.10 hanggang P1.20 ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Sa presyo naman ng kada litro ng gasolina, nasa pagitan ng P1.20 hanggang P1.30 ang idadagdag at 90 centavos hanggang piso ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Matapos ang Oil Price Hike na ipinatupad noong May 17, ang presyo ng diesel ay naglalaro na sa pagitan ng P23.75 hanggang P28.60 kada litro.

Habang ang presyo naman ng gasolina ay nasa pagitan ng P35.15 hanggang P42.25 ang kada litro.

Speak Your Mind

*