Bilang ng nasawi sa landslide sa isang sikat na Tourist Spot sa Sumatra Province, nasa labing pito na

Nasa labing pitong katao na ang nai-ulat na nasawi sa naganap na pagguho ng lupa sa isang sikat na tourist spot sa sumatra province ng Western Indonesia.

Ayon kay National Disaster Management Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho, posible na ang mga naturang nasawi ay kabilang sa 20 university student at dalawang tour guide na kasama ng mga ito ng mangyari ng insidente.

Nasa mahigit na tatlundaang mga rescuer na kinabibilangan ng mga sundalo at pulis ang nagsasagawa ng search and rescue operation sa iba pang nawawala.

Dahilan naman ng naturang landslide sa lugar ang malakas na ulan at flash floods.

Speak Your Mind

*