Bilang ng nasawing climber sa Mount Everest sa Nepal, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi sa nagpapatuloy na climbing season sa Mt. Everest.

Huling nasawi ang isang Indian Climber na si Subhash Paul matapos nitong maabot ang tuktok ng bundok.

Maliban kay Paul, una ng naitalang nasawi ang isang Dutch Climber na si Eric Ary Arnold at ang Australian na si Maria Strydom na nakaranas ng altitude sickness.

Samantala, tinatayang aabot sa tatlumpung climber naman ang nakaranas ng ‘Frostbite’ o labis na exposure sa lamig matapos umakyat sa Mt. Everest simula noong nakaraang linggo.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation ng mga rescuer sa dalawa pang Indian National na nawawala simula pa noong sabado na kinilalang sina Paresh Nath at Goutam Ghosh.

Nawala ang dalawa sa tinatawag na ‘Death Zone’ malapit sa tuktok ng Everest.

Speak Your Mind

*