Binalagkas na mga polisiya ni Duterte, ikinaalarma ng international media

Naalarma na din maging ang international media sa mga polisiya na binalangkas ni President-elect Rodrigo Duterte sa kaniyang pag-upo bilang Pangulo ng Pilipinas.

Sa editoryal ng pahayagang “The Washington Post” kahit daw itanggi pa ni Duterte na hindi ito katulad ng Republican Presidential Candidate na si Donald Trump, ay pareho sila ng kapalaran.

Ayon sa pahayagan, hindi makabubuti sa Pilipinas o sa kaalyado ng Amerika, ang magiging resulta ng polisiya.

Partikular na aniya dito ang pagbabalewala ni Duterte sa karapatang pantao sa kampanya laban sa kriminalidad.

Samantala, sa new times, sumentro naman ang pakikipag-kaibigan ni Duterte sa China kaysa pigilan ang Beijing sa pang-angkin nito sa buong West Philippine Sea.

Hinamon naman ng straits times ng Singapore si Duterte, na dapat ay patunayan nito na mali ang kaniyang mga kritiko.

Ayon sa ilang mga mamamahayag sa New York, mahihirapan si Duterte na ibalanse ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika at China.

Aniya, naghahanap lang ng pagkakataon ang beijing para mailayo ang Pilipinas sa Amerika.

Speak Your Mind

*