Brigada Eskwela ng Deped, opisyal nang magsisimula ngayong araw, Mayo 30

Opisyal nang magsisimula ngayong araw Mayo 30, ang taunang paghahanda ng Department of Education (Deped) sa mga paaralan sa buong bansa.

Layon ng naturang brigada eskwela na maihanda ang mga silid-paaralan at ang buong eskwelahan sa pagsisimula ng klase.

May temang “Tayo para sa Paaralang ligtas, maayos, at handa mula kindergarten hanggang senior high school” ang Brigada Eskwela ngayong taon na inaasahang magtatapos naman sa darating na Biyernes.

Maliban naman sa pagsasa-ayos ng mga silid-aralan, layon din ng naturang Brigada Eskwela na maihanda ang paaralan sa full-implementation ng K-12 Program.

Inihayag naman ni Darius Nieto, Public Information Officer ng Deped Region 1 ang kick off ceremony ng Brigada Eskwela ay ginanap sa Tayug National High School dito sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*