Brigada Eskwela ng DepEd Pangasinan 1, opisyal nang magsisimula

Ginanap sa magkahiwalay na paaralan sa DepEd Division Office 1 Pangasinan ang “Kick Off Ceremony” kasabay ng opisyal na pagsisimula ng Brigada Eskwela kahapon.

Ito ang inihayag ni Dr. Carmina Gutierrez, Chief of Education Supervisor ng DepEd Pangasinan Division 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Gutierrez, isinagawa ang “Kick Off Ceremony” para sa tinatawag na “School Maintenance Week” sa Sual National High School at Calasiao Comprehensive Nationa High School.

Matapos ang isinagawang programa ay agad namang sinimulan ang paglilinis at pagsasaayos sa mga gamit sa paaralan.

May temang “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos, at Handa Mula Kindergarten hanggang Senior High School” ang Brigada Eskwela ngayong taon na inaasahang magtatapos naman sa darating na Biyernes.

Speak Your Mind

*