BSP Dagupan Branch, nagbabala sa posibleng paglaganap ng mga pekeng pera

Nagbabala ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Dagupan Branch sa posibleng paglaganap ng mga pekeng pera.

Ito kaugnay sa pagkaka-aresto ng Dagupan City PNP sa isang lalaki na mayroong dalawampung piraso ng P1,000 pekeng pera na ibinibenta sa halagang P100 kada isa.

Ayon kay Romeo Badua, Manager ng BSP Dagupan Branch, dadalhin nila sa BSP Central Office ang nasabing pekeng pera upang mawala ang pag-agam-agam ng publiko.

Upang hindi maloko sa pekeng pera, ipinaalala ng BSP na mahalaga na malaman ang palatandaan ng totoong pera sa pamamagitan ng feel, look at tilt.

Kung totoo aniya ang perang papel dapat ay naka-umbok ang mga letra nito, may security trend kung saan nakasulat ng BSP kasunod ng halaga ng pera at may makikita ring water mark at seal value.

Speak Your Mind

*