Bukas at direktang kounikasyon sa MILF, iminumungkahing gawin ni President-Elect Rodrigo Duterte

Naniniwala naman Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na mas mainam na isabay ng kongreso na talakayin at ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at Federalismo.

Ito ay matapos ibunyag ni Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez na siyag pambato ng Duterte administration sa house speakership na walang puwag ang BBL sa kamara.

Ayon kay Chief Peace Negotiator Prof. Miria Coronel Ferrer, hindi babaliwalain ng Duterte administration ang BBL dahil alam nitong mahalaga ito sa Bangsamoro.

Iminungkahi naman ni Ferrer sa president-elect na magkaroon ng bukas at direktang komunikasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Speak Your Mind

*