Buwanang kalahating milyong wage increase ng SSS Board Members, kinastigo

Kinastigo ni Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares ang buwanang limandaang libong wage hike ng board members ng Social Security Systems.

Ani Colmenares, indikasyon ang naturang increase na hindi mababangkarote ang SSS gaya ng sinasabi nito kung mapagbigyan ang dagdag pensyon.

Dagdag pa ni Colmenares, mas gusto pang pahabain ng SSS ang buhay ng kanilang pondo kaysa buhay ng mismong mga miyembro nito.

Nangako naman si Colmenares na babantayan ang buwanang wage increase sa SSS Board Members maging ang pag-ooverride sa veto ni Pangulong Noynoy Aquino sa dalawang libong pisong Across-The-Board Wage Increase.

Speak Your Mind

*