CDRRMC Dagupan, puspusan na ang paghahanda sa inaasahang La Nina

Puspusan na ang isinasagawang Flood Migitation Project ng City Disaster Risk Reduction Management Council o CDRRMC bilang paghahanda sa inaasahang mararanasang La Nina.

Ayon kay Ronald De Guzman, CDRRMC Chief ng Dagupan na kabilang sa kanilang paghahanda ang isinasagawang Dredging Operation sa Pantal River.

Kasama na rin aniya ang mga rehabilation sa mga drainage, creek, pagpapataas ng kalsada at ang nagpapatuloy ng konstruksyon ng mga river dike.

Dagdag pa ni De Guzman na bahagi rin sa kanilang ginagawang paghahanda ang koordinasyon sa mga barangay council, at ang inilunsad na family disaster preparedness.

Kasabay nito, inihanda narin ng CDRRMC ang mga rescue equipment na posibleng magamit sa panahon ng grabeng pag-ulan o pagtama ng kalamidad.

Speak Your Mind

*