Children’s Emergency Relief and Protection Act, pirmado na ni P-noy

Pirmado na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10821 o ang Children’s Emergency Relief and Protection Act.

Sa pamamagitan nito, bubuo ang Department of Social Welfare And Development o DSWD ng komprehensibong programa para bigyang proteksyon ang mga bata sa panahon ng kalamidad.

Layon din ng naturang programa na magtayo ng mga evacuation center at transitional shelters para sa mga ampon at mga batang pinabayaan na ng kanilang mga magulang.

Ayon kay Pangulong Aquino, sa naturang batas, matitiyak ang proteksyon ng mga bata habang at pagkatapos ng kalamidad.

Matapos lagdaan ang naturang batas, nagpasalamat naman si P-noy sa suportang ibinigay ng mga pilipino sa kaniyang panunungkulan.

Speak Your Mind

*