China, planong magtayo ng Base Station sa Spratly Islands

Plano ng China na magtayo ng Base Station para sa rescue ships sa Spratly Islands na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa South China Sea Rescue Bureau, ang nasabing barko ay idedeploy sa Spratly Islands para magdala ng mga Drones at Underwater Robots.

Katuwiran ng Beijing, makakatulong umano ang itatayong base station para mapadali ang pagresponde sa mga masisirang fishing boats.

Balak din ng China ang pagtatayo ng dalawang lighthouse, apat na beacons at apat na base stations para sa Radio Communications sa Paracel Islands.

Una ng inaangkin ng buo ng China ang West Philippine Sea, na may claims din ang Pilipinas, Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan.

Speak Your Mind

*