Cleveland Cavaliers at Toronto Raptors, maghaharap ngayong araw

Maghaharap naman ngayon araw ang Cleveland Cavaliers at Toronto Raptors sa kanilang game 4 Best-Of-Seven Final Series ng Eastern Conference Finals.

Inaasahan namang magiging mainit ang kanilang laban matapos talunin ng Raptors ang Cavs sa game 3 sa iskor na 99-84.

Hindi naman makakapaglaro ngayon ang Cavaliers guard na si Dahntay Jones.

Ito’y matapos bigyan ng one game suspension dahil sa pagsiko kay Raptors Center Bismack Biyombo sa huling segundo ng 4th quarter noong game 3.

Speak Your Mind

*