Tinambakan ng Cleveland Cavaliers ang Toronto Raptors sa game one ng NBA Eastern Conference Finals.
Tinapos ng Cavs ang laro sa iskor na 115-84 sa home court nito sa the Q Arena.
Kumamada si Kyrie Irving ng 27 puntos para pangunahan ang Cavs.
Hawak na ng Cavs ang 1-0 na kalamangan sa Raptors sa best of seven series.
Ito na ang pinakamalaking post-season win sa franchise history ng Cavs.
Speak Your Mind