Comelec checkpoint, ipinapatupad parin ng PPPO dahil sa Election Gun Ban

Patuloy parin ang ipinapatupad na comelec checkpoint ng Pangasinan Provincial Police Office o pppo dahil epektibo pa ang Election Gun Ban ng Comelec.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, nakapagtala na nang aabot sa 160 na mga baril at ilegal na droga ang nakumpiska ng pnp sa ipinatutupad na comelec checkpoint.

Masasabi aniyang tagumpay ito sa hanay ng kapulisan hindi lang sa pagtupad sa election gun ban kundi dahil napigilan narin ang posibleng pagkalat ng ilegal na droga sa sambayanan.

Dagdag pa ni Candelario na wala naman silang naitalang insidente ng sensationalized crime na may kaugnayan sa nakaraang eleksyon.

Nabatid na magtatagal pa hanggang Hunyo a-otso ang ipinapatupad ng Election Gun Ban ng Comelec.

Speak Your Mind

*