Comelec, duda sa alegasyon ng dayaan noong eleksyon

Duda si Commission On Elections Chairman Andres Bautista sa alegasyon ng dayaan ng grupong Council On Philippine Affairs (COPA).

Paliwanag ni Bautista, mas magandang sabihin ng mga saksi at umano’y ginamit sa “dagdag-lipat” boto kung aling presinto ang tinamper.

Ito, ani Bautista, ay para ma-trace at malaman kung ano ang naging resulta ng nasabing Vote Counting Machines o VCM.

Dagdag pa ni Bautista, mayroon namang public website kung saan ang lahat ng election results ay inilagay para makita ng publiko.

Ipinagkibit balikat din ni Bautista ang nakaambang pagsasampa ng kaso ng COPA laban sa kanila at sa Smartmatic.

Speak Your Mind

*