Comelec, handa sa imbestigasyon sa umanoy dayaan sa nakaraang halalan

Handa ang Commission on Elections (Comelec) sa imbestigasyon kaugnay sa umanoy dayaan sa nakaraang halalan.

Ito ay matapos mapabalita na mayroong tatlumpung counting server machines ang ginalaw para mabigyan ng pabor ang isang kandidato.

Dagdag pa dito na ang nasabing mga servers ay pinadala sa Comelec National Technical Support Center sa Sta. Rosa Laguna matapos ang pagsasara ng mga voting precincts ng ala singko ng hapon.

Giit ni Comelec Chairman Andres Bautista, wala pang napapatunayang dayaan mula pa noong 2010 elections.

Speak Your Mind

*