Comelec, hinikayat ni Sen. Marcos na idulog nalang sa kongreso ang kanyang reklamo

Hinikayat ni Comelec Chairman Andres Bautista si Senador Bongbong Marcos na idulog na lang sa kongreso ang anumang reklamo nito sa nakaraang halalan.

Ito ang tugon ni Bautista bunsod ng dami ng kahilingang aksyunan ng Comelec ang recount dahil sa umanoy pagbabago sa bilang ng mga boto sa unofficial tally.

Binigyang diin ni Bautista na nasa kongreso ang kapangyarihan sa presidential at vice presidential race.

Giit din ni bautista na ang recount ay maikokonsidera lamang kapag nakapag-proklama na ang national board of canvassers.

Speak Your Mind

*