Cong. Robredo, kinastigo si Sen. Marcos sa hirit na System Audit

Kinastigo ng kampo ni Vice Presidential Front Runner Leni Robredo ang hirit na System Audit ng katunggaling si Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa abogado ni Robredo na si Attorney Romulo Macalintal, ang naturang hirit ni Marcos ay patunay na wala itong hawak na ebidensya na dinaya siya sa eleksyon.

Kung igigiit pa rin ito ni Marcos, sinabi ni macalintal na dapat ay magpakita muna ito ng ebidensya ng dayaan.

Dapat umanong ipakita ni Marcos na ‘di tugma ang resulta ng transparency server sa kanyang kopya ng election results.

Handa rin umano ang legal team ni Robredo na harapin ang tanong ng mga board of canvassers.

Ngayong araw magko-convene ang kongreso na magsisilbing board of canvassers para sa canvassing ng boto sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.

Speak Your Mind

*