Dagdag presyo ng kruso at gasolina, asahan na naman sa susunod na linggo

Inaasahan na naman ang pagtataas sa presyo ng kruso at gaolina sa susunod na linggo.

Habang nakatakda namang magtaas ng singil sa kuryente sa buwan ng Hunyo.

Tinatayang aakyat ng hanggang piso ang kada litro ng diesel habang uno trenta sa kada litro ng gasolina.

Magugunita na mula Enero ay nasa dalawang piso na ang itinaas sa presyo ng gasolina habang tatlong piso naman sa diesel.

Samatala, inaasahan naman ang pagtaas sa singil sa kuryente sa susunod na buwan.

Ito ay matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang dagdag na animnapu’t limang sentimo na singil sa kada kilowat hour sa kuryente.

Ayon sa ERC, ang dagdag singil ay mapupunta sa differential ancillary service charge.

Speak Your Mind

*