Dalawapu’t walong panukalang batas layon na maipasa ng senado sa pagbubukas ng session ngayong araw

Tinatayang dalawampu’t walong mahahalagang panukalang batas ang ipapasa ng senado sa pagbubukas ngayong hapon.

Base sa agenda na ipinalabas ng opisina ni senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano tatalakayin ng senado ang mga panukalang batas na nakabinbin sa 3rd and final reading bago magsara ang session tatlong buwan na ang nakararaan.

Ilan sa mga mahahalagang panukalang batas na ito ay ang Senate Bill No. 29 o ang panukalang batas na nagbabawal sa diskriminasyon na ang basehan ay ang edad sa anumang trabaho.

Isa pa ay ang Senate Bill No.449 o ang panukalang batas na nagbibigay ng karagdagang benipisyon para sa mga Filipino Centenarians.

Inaasahan din ngayong hapon na magbibigay ng Privilegde Speech si Sen. Ferdiannd Bongong Marcos kaugnay sa reklamo nitong  sa nagdaang halalan.

Speak Your Mind

*