Dating assistant coach ng Miami Heat, bagong head coach ng Memphis Grizzlies

Pormal nang ipinakilala ng Memphis Grizzlies si Miami Heat Assistant Coach David Fizdale bilang kanilang bagong coach.

Kinuha ng Grizzlies ang serbisyo ni Fizdale matapos sibakin bilang head coach si Dave Joerger, na ngayon ay coach naman ng Sacramento Kings.

Nangako naman si Fizdale ng kauna-unahang championship parade para sa Grizzlies.

Excited na rin siyang makatrabaho ang mga manlalaro ng koponan.

Matatandaan na naging assistant coach rin si Fizdale para sa Golden State Warriors at Atlanta Hawks.

Speak Your Mind

*