Dating Defense Secretary Gibo Teodoro, pinabulaanang tinanggihan ang pwestong inialok ni Duterte

Nilinaw ni dating Defense Chief Gilbert “Gido” Teodoro Jr. na wala pa siyang desisyon sa alok ni President-Elect Rodrigo Duterte na muling pamunuan ang Department of National Defense (DND).

Ayon kay Teodoro, hindi pa niya tinatanggihan ang alok ni Duterte dahil pinag-iisipan pa niya ito.

Sa isang panayam, una nang sinabi ni Duterte na tinanggihan ni Teodoro ang kaniyang alok na maging Defense Chief.

Sinabi pa ni Teodoro na kailangan pa niyang konsultahin ang kaniyang pamilya bago bumuo ng isang mahalagang desisyon.

Speak Your Mind

*