Death Penalty, hindi umano sagot sa lumalalang krimen sa bansa

Hindi sagot ang Death Penalty sa lumalalang krimen sa bansa.

Ito ang pahayag ni Human Rights Advocate Paul Vincent Casilihan kaugnay sa planong pagpapatupad ng Death Penalty ng papasok na administrasyon.

Ayon kay Casilihan, maraming paraan ng pagbibigay ng parusa nang hindi kailangang kumitil ng buhay.

Aniya, kailangan munang pag-aralan ni Incoming President Rodrigo Duterte ang nasabing batas.

Umaasa naman si Casilihan na hindi ipagpapatuloy ni Duterte ang kaniyang plano dahil isa itong abogado at alam nito ang batas na may kaugnayan sa karapatang pantao.

Speak Your Mind

*