Dela Rosa at Marquez, nagkaharap na

Ibinalita Ni Chief Superintendent Ronald Dela Rosa na nagkaharap at nagkausap na sila ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez.

Ayon kay Dela Rosa, binigyan pa siya ng payo ni Marquez bilang susunod na hepe ng pulisya.

Umaasa naman si Dela Rosa na magiging cooperative ang mga pulis sa kaniya at hindi siya bibigyan ng sakit sa ulo.

Si Dela Rosa ang napiling itinalaga ni Incoming President Rodrigo Duterte bilang hepe ng PNP.

Dating naging hepe si Dela Rosa ng Davao City Police.

Speak Your Mind

*